Labing-anim na public high school ang maglalaban-laban sa gaganaping Inter-Alumni Sports League ng Public Schools Alumni Athletic Association Inc.
Pinaunlakan ni District 1 Action Officer Ollie Belmonte ang opening ceremony ng palaro, bilang kinatawan ni Mayor Joy Belmonte.
Ito na ang ikatlong taon ng sports league, kung saan magpapakitang-gilas ang mga alumni ng kani-kanilang paaralan sa basketball at volleyball.