Nakiisa sa Interactive Information Drive ang humigit kumulang 100 Persons Deprived of Liberty (PDL) ng QC Jail Female Dormitory sa tulong ng QC Climate Change and Environmental Sustainability Department (CCESD).
Dito ay tinalakay ang climate change at mga inisyatiba ng lungsod upang matugunan ito. Tulad na lamang ng programang Vote to Tote kung saan naging bahagi ang mga PDL sa paggawa ng fashionable resuable bags gamit ang recycled campaign materials.
Para sa mga paaralan, komunidad, o barangay na nais ding matuto pa tungkol sa kalikasan at ang pangangalaga nito, maaaring magpadala ng mensahe sa @quQuezon City Climate Change and Environmental Sustainability Department Facebook page o makipag-ugnayan sa ClimateChange@quezoncity.gov.ph.