Loading the Elevenlabs Text to Speech AudioNative Player...
Nakiisa ang Quezon City sa paggunita ng International AIDS Candlelight Memorial bilang pagbibigay-pugay sa mga pumanaw dahil sa HIV at AIDS, at pagpapakita ng suporta at pag-asa para sa mga patuloy na humaharap sa hamon ng sakit.
Nanguna sa candle-lighting ceremony sina QC Health Department Head Dr. Ramona Abarquez, City Epidemiology and Surveillance Unit Head Dr. Rolly Cruz, Coun. Kristine Matias, at Martha Dela Paz ng UNAIDS Philippines.
Nakiisa rin sa programa ang mga kawani ng pamahalaang lungsod at mga kinatawan mula sa Pinoy Plus Advocacy Inc., HIV and AIDS Support House, at iba-ibang civil society organizations.









