International Bike to Work Day! 🚲✨🎉

Ito ang ipinagdiwang ng Green Transport Office – DPOS sa pamamagitan ng pagsasagawa ng “Bike to Work Day” activity para sa mga QCitizen, upang itaguyod ang paggamit ng bisikleta papunta sa trabaho. 🏙️

Nais din isulong sa aktibidad ang benepisyo sa kalusugan ng pagbibisikleta, pagkakaroon ng environmental sustainability, at pagbawas ng carbon footprint o ng usok at kemikal sa hangin at kapaligiran.

Ginanap ang programa sa mga inilagay bike station malapit sa UP Technohub at sa Milestone Bldg., Aurora Boulevard, Katipunan. Namahagi ng repair kits, T-shirt, armbands, at pagkain sa mga siklista.

Ang programa ay pinangunahan ng Green Transport Office Chief Corazon Medes, kasama ang mga opisyal ng Green Transport Division.

Nakiisa dito sina District 3 Action Officer Atty. Tommy de Castro at Operation Officer Alexandria Darmawan sa Katipunan bike station. Dumalo rin si Assistant City Administrator for Operations Alberto H. Kimpo sa UP Technohub site.

May be an image of 6 people, bicycle, street, crowd and text

May be an image of 12 people, bicycle and text
May be an image of 5 people, bicycle and text
May be an image of 6 people, bicycle and text