Ipinagdiriwang ngayong buwan ang Internation Coastal Cleanup Day na layuning pangalagaan at protektahan ang kapaligiran ng karagatan at iba pang daluyan ng tubig.

Bilang pakikiisa, mamamahagi ng reusable bags ang Quezon City Climate Change and Environmental Sustainability Department sa mga piling public markets sa lungsod tuwing Biyernes at Sabado ngayong buwan ng Setyembre.

Sa ilalim ng Plastic Bag Ban Ordinance (Ordinance No. SP 2868 S-2019), ipinagbabawal sa mga pamilihan sa Quezon City ang pamimigay, pagbenta, at paggamit ng plastic bags bilang lalagyan ng mga pinamili.

Basahin ang ordinansa dito:

https://quezoncity.gov.ph/wp-content/uploads/2020/11/SP-2868-S-2019.pdf