Dito sa QC, walang puwang ang diskriminasyon! ![]()
![]()
Ngayong araw, ipinagdiriwang natin ang International Day Against Homophobia, Biphobia, Intersex Discrimination, and Transphobia o IDAHOBIT na may temang “At the heart of democracy.”
Nagsimula ito noong 2005 bilang paggunita sa opisyal na pagtanggal ng homosexuality sa International Classification of Diseases ng World Health Organization (WHO) noong 1990.
Nakikiisa ang Quezon City Government sa pagsulong ng ligtas, inklusibo, at pantay-pantay na komunidad para sa lahat. Bukod sa Revised Gender-Fair Ordinance, inilunsad din ng lokal na pamahalaan ang Gender-Inclusive Health Ordinance sa bisa ng SP-3416, S-2025 noong 2025. Layon nitong magbigay ng sapat at inklusibong healthcare access para sa lahat, anuman ang kasarian o pagkakakilanlan.





