Nakikiisa ang Quezon City Government sa pagdiriwang ng International Day for Disaster Risk Reduction 2024 ngayong ika-13 ng Oktubre.
Ang ating lokal na pamahalaan ay nakatuon sa pagbibigay ng agarang aksyon at impormasyon upang masiguro ang kaligtasan ng mga QCitizen sa mga sakuna at kalamidad.
Sa pagtutulungan, kooperasyon, at pagkakaisa ng bawat isa, makakamit natin ang mas ligtas at handang komunidad para sa lahat.