Loading the Elevenlabs Text to Speech AudioNative Player...
Ginugunita tuwing Oktubre 13 ang International Day for Disaster Risk Reduction, na nagsimula noong 1989 upang palakasin ang kamalayan at kahandaan ng bawat isa laban sa mga sakuna.
Nakikiisa ang Quezon City Government sa paggunita ngayong taon na may temang “Resilience Starts at Home.”
Sa pamamagitan ng pagbabahagi ng tamang impormasyon at agarang pagtugon sa mga panganib, patuloy nating pinapalakas ang kahandaan ng bawat QCitizen. Dahil ang pagiging handa sa sakuna ay nagsisimula sa tahanan at sa sama-samang pagkilos ng komunidad.






