Happy International Day of Education!

Ipinagdiriwang ang International Day of Education tuwing ika-24 ng Enero upang ipaalala ang kahalagahan ng edukasyon sa pagbuo ng maunlad at inklusibong lipunan.

Ang Quezon City Government ay patuloy na magiging kaagapay ng QCitizen sa pagbibigay ng maayos at de kalidad na edukasyon para sa bawat kabataan ng lungsod.

Sama-sama nating buuin ang isang mundo kung saan ang bawat indibidwal ay nabibigyan ng karapatan na makapag-aral, tungo sa mas maliwanag at inklusibong kinabukasan.

#InternationalDayofEducation