Loading the Elevenlabs Text to Speech AudioNative Player...
QCitizens, today is International Day of Education! ![]()
![]()
![]()
Ipinagdiriwang natin ang International Day of Education tuwing January 24, alinsunod sa proklamasyon ng United Nations General Assembly (UNGA) noong 2018.
Ang tema ng pagdiriwang ngayong taon ay “The power of youth in co-creating education”.
Layon nitong bigyang-pagkilala ang mahalagang gampanin ng kabataan bilang pangunahing puwersa sa paghubog ng isang sistemang pang-edukasyon na inklusibo at makabuluhan.
Kaisa ang Quezon City Government sa pagsusulong ng maayos at dekalidad na edukasyon para sa bawat kabataan ng lungsod.
Sama-sama nating buuin ang isang mundo kung saan ang lahat ay nabibigyan ng karapatan na makapag-aral, tungo sa mas maunlad at maliwanag na kinabukasan.




