Kaisa ang Lungsod Quezon sa pagdiriwang ng International Day of Zero Waste ngayong araw, March 30 sa pangunguna ng United Nations Environment Programme (UNEP).
Ang tema ngayong taon ay “Towards Zero Waste in Fashion and Textiles”.
Dito sa QC, isinusulong ng lungsod ang ‘Wear the Change: QC Zero Textile Waste Initiative’ sa pamamagitan ng Kilo/s Kyusi Kilo Store ng Bayan, Tulong para sa Kinabukasan.
Kahapon, nakilahok ang QC Government sa Purposely Lo~Oped: A Celebration of Sustainability Through Swapping of Clothes and Ideas na idinaos sa Pop-Up Katipunan.
Sa tulong ng Kilo/s Kyusi program, nakipagpalit o nakipag-swap ng damit ang mga QCitizen sa iba pang mga nakibahagi sa event.
Tingnan sa post na ito: https://www.facebook.com/QCGov/posts/pfbid0Fb9h77nBg8eCsfpfiyNHgdWBNWtLN4d3BnLXe3xBugjRqvqt2kpWLa2zwUqbYJMBl
