Ginugunita ang International Holocaust Remembrance Day bilang pag-alala sa mahigit anim na milyong Jews na naging biktima ng Holocaust.

Pinangunahan nina Mayor Joy Belmonte at Israel Ambassador to the Philippines His Excellency Ilan Fluss ang ceremonial candle lighting sa Philippine-Israel Friendship Marker sa Quezon Memorial Circle.

Noong 1934, binuksan ni dating Pangulo Manuel Quezon ang Pilipinas para sagipin ang aabot sa 1,300 Jewish refugees mula sa mga Nazi.

Kabilang din sa mga nakiisa sa commemoration sina Israel Embassy Deputy Chief of Mission Ester Buzgan, Jewish Community President Salito Malka, Rabbi Refael Mimran, at mga city department head sa pangunguna ni City Administrator Mike Alimurung.

+31