Nagtipon-tipon ang mga law enforcement officer, prosecutors, at judges na alumni ng International Law Enforcement Academy sa kanilang Homecoming event sa Novotel sa Cubao.

Sa kanyang talumpati, binigyang diin ni Mayor Joy Belmonte ang kahalagahan ng mga programang makatutulong sa mga law enforcement officers sa kanilang pagtugon sa problema sa ilegal na droga at krimen.

Dumalo rin sa homecoming event si US Ambassador to the Philippines Her Excellency MaryKay L. Carlson, US Embassy International Narcotics & Law Enforcement Affairs Director Kelia Cummins, at ILEA Bangkok Deputy Program Director Kyle Rego.

Sa ngayon, aabot na sa 2,500 Pilipino ang nagtapos sa programa na binuo ng US Embassy.