Loading the Elevenlabs Text to Speech AudioNative Player...
Happy International Literacy Day, QCitizens!
Ang tema ng pagdiriwang ngayong taon ay “Promoting literacy in the digital era” na layong isulong ang pagpapaunlad sa digital skills ng publiko lalo na ngayong panahon na laganap na ang paggamit ng internet.
Bukod sa kasanayan sa tradisyunal na pagsusulat at pagbabasa ng libro, kinikilala ng QC Government na mahalaga rin ang pagkakaroon ng kaalaman sa paggamit ng iba-ibang digital tools at pagsusuri sa tamang impormasyon mula sa mga online content at social media platforms.
Maging mapanuri, QCitizens! Pagyamanin ang isip sa pamamagitan ng pagbabasa at pananaliksik.




