Loading the Elevenlabs Text to Speech AudioNative Player...
Happy International Literacy Day, QCitizens! ![]()
![]()
Ngayong September 8, ipinagdiriwang natin ang International Literacy Day na may temang “Literacy for people, the planet and prosperity.” Layon nitong isulong ang kaalaman para sa lipunan, kalikasan, at kaunlaran.
Patuloy na isinasabuhay ng Pamahalaang Lungsod Quezon ang mithiing ito sa pamamagitan ng mga pampublikong aklatan, libreng literacy programs, at eco-educational initiatives para sa tuloy-tuloy na pagkatuto ng bawat QCitizen.






