Girl, araw mo ‘to!

Tuwing ika-8 ng Marso, ipinagdiriwang natin ang International Women’s Day bilang pagkilala sa kakayahan, tapang, at tagumpay ng mga kababaihan sa iba-ibang aspeto ng buhay.

Ang araw na ito ay hindi lamang pagdiriwang kundi isang paalala rin ng patuloy nating laban para sa pagkakapantay-pantay, respeto, at oportunidad para sa lahat ng kababaihan.

Kasama niyo ang Quezon City Government sa pagsusulong ng pantay na karapatan at inklusibong lipunan para sa lahat.

Sa mundo ng posibilidad, walang imposible sa isang babaeng lumalaban! 💜

Happy International Women’s Day!