Ginugunita ang International Youth Day tuwing ika-12 ng Agosto taun-taon upang bigyang pansin ang mga isyung kinakaharap ng mga kabataan at bigyang-pugay ang kanilang mahalagang papel sa lipunan.
Kasama ang Quezon City Government sa pagsusulong ng iba-ibang programa para sa mga kabataang QCitizen tungo sa pag-abot ng kanilang pangarap at para sa isang maunlad na Pilipinas.