Loading the Elevenlabs Text to Speech AudioNative Player...
August 12 is International Youth Day!
Ipinagdiriwang ngayong araw ang International Youth Day na may temang “Different Contexts, Common Aspirations”.
Binibigyang-pagkilala nito na bagaman hinuhubog ng iba-ibang realidad ang bawat kabataan, iisa ang kanilang hangarin sa buhay.
Kaisa ang lokal ng pamahalaan sa hangarin ng mga kabataan na dignidad, oportunidad, makabuluhang partisipasyon, disenteng trabaho, de-kalidad na edukasyon, at isang magandang kinabukasan.






