Malugod na tinanggap ni Mayor Joy Belmonte ang mga kinatawan mula sa INTERPOL Crimes Against Children Unit (CACU) Team, kasama ang Philippine Center on Transnational Crime, upang talakayin ang mga hakbang sa mas pinaigting na proteksyon ng mga bata laban sa pang-aabuso.
Ibinahagi ng CACU Team ang kanilang safeguarding work protocols at layuning mas maunawaan ang kasalukuyang proseso at pamamaraan sa imbestigasyon ng mga kaso ng child abuse sa bansa.
Dumalo sa pulong sina Karolina Mason, Specialized Officer in Safeguarding ng INTERPOL CACU (England); Anna Sargysyan, Principal Project Assistant ng INTERPOL CACU (Armenia); at PLTCOL Cynthia Faltado ng INTERPOL sa Camp Crame. Kasama rin si Social Services Development Department OIC Lorelei Salvador.
Sa pulong, QC ang mga umiiral nitong programa at inisyatiba para sa pangangalaga, proteksyon, at kapakanan ng mga bata sa lungsod.






