Invest with QC!

Nakiisa ang mga medium to large enterprises sa lungsod sa ginanap na Invest with QC: Business Roadshow na pinangunahan ng Quezon City Local Economic Investment Promotions Office (LEIPO).

Ibinahagi ni QC LEIPO head Juan Manuel Gatmaitan ang mga hakbang ng pamahalaang lungsod upang hikayatin ang lahat na mag-negosyo sa QC.

Ipinaliwanag din ang mga nakasaad sa bagong QC Incentives Code tulad ng pagpapatibay ng tax incentives, pag-streamline ng proseso, at pakikipagtulungan ng QC sa pribadong sektor.

Kabilang sa 14-point agenda ni Mayor Joy Belmonte na maituring ang QC bilang business-friendly city, dumami ang job opportunity para sa QCitizens, at umunlad ang ekonomiya ng lungsod.

Kasama sa Business Roadshow ang ilan pang opisyal ng pamahalaang lungsod tulad nina Coun. Wency Lagumbay, Asst. City Administrator for Fiscal Affairs Don Javillonar, Business Permits and Licensing Department head Margie Mejia, at Citizen Services Department OIC Joel Distrajo.

#TayoAngQC

#QC85th

+21