Lumahok ang mga miyembro ng Quezon City LGU economic cluster group sa Investments Promotion and Facilitation seminar na pinangasiwaan ng Department of Trade and Industry- Board of Investments (DTI-BOI) upang ibahagi ang polisiya ng pambansang pamahalaan para sa mga pamumuhunan at ihanay sa national investment agenda ang mga aktibidad ng ating lungsod.

Tinalakay din ang tungkulin ng mga LGU sa pagpapaunlad ng industriya at pagtataguyod ng pamumuhunan sa bansa kabilang ang itinuturing na “best practices” sa Investments Promotion and Facilitation.

Kabilang sa mga lumahok ay sina Mr. Perry Dominguez ng QC Local Economic Investment and Promotions Office (LEIPO), Ms. Eddilyn Dividina ng QC Youth Development Office (YDO), Mr. Juan Manuel Gatmaitan ng QC Investment Affairs Office (IAO), at ilang kinatawan ng QC Business Permits and Licensing Department (BPLD).