Angat ang galing ng IRISEUP! ![]()
Ginawaran ang iRISE UP ng Quezon City ng Blue Citation (Governance and Civic Design Category) sa ginanap na Good Design Awards ng Department of Trade and Industry (DTI).
Kinilala ng DTI ang iRISE UP (Intelligent, Resilient, and Integrated Systems for the Urban Population) dahil sa makabago nitong sistema na gumagamit ng teknolohiya, datos, at inobasyon upang mas mapabilis at mapahusay ang paghahanda at pagtugon sa mga sakuna at iba pang emergencies.
Ang iRISE UP ang kauna-unahan at nag-iisang programa ng isang lokal na pamahalaan (LGU) na pinarangalan sa ilalim ng Blue Citation.
Tinanggap ni QC Disaster Risk Reduction and Management Office (QCDRRMO) Head EnP Ma. Bianca D. Perez-Diamante ang parangal sa ngalan ng lungsod.
Ang Good Design Awards ng DTI ay iginagawad sa mga lokal na pamahalaan na gumagamit ng makabago at malikhaing pag-iisip sa disenyo (design thinking) upang mapahusay ang pamamahala at paghahatid ng mga serbisyong pampubliko.








