Aabot sa 1,000 kababaihan mula sa Barangay Tatalon ang nabigyan ng gulay mula sa Tanggapan ni Sen. Loren Legarda, sa pakikipagtulungan sa Quezon City Government, Konseho ng Barangay Tatalon, Tatalon Nanay Power, at Rural Rising Philippines.
Isang toneladang gulay ang ibinahagi sa mga kababaihan, na bahagi ng Paglalakbay Kontra Gutom program.
Pinasalamatan ni Mayor Joy si Sen. Legarda para sa handog nito sa mga nanay na nagsusumikap at kumakayod para sa kanilang pamilya.
Nangako naman si Sen. Legarda na handang tumulong ang kanyang tanggapan para maiangat pa ang antas ng pamumuhay ng mga mamamayan ng Barangay Tatalon.