Congratulations sa 668 QCitizen students ng Ismael Mathay Sr. High School (IMSHS) na nagsipagtapos ngayong araw!
Personal na binati ni Mayor Joy Belmonte ang graduates, kasama ang kinatawan ni Vice President Sara Duterte na si Usec. Atty. Zuleika Lopez, District 6 Rep. Marivic Co-Pilar, DepEd Regional Director Jocelyn Andaya, Barangay Sangandaan Chairperson Marivic Hefty, QC Schools Division Superintendent Carleen Sedilla, at IMSHS Principal Dr. Modesto Villarin.
Sa kanyang talumpati, binigyang-diin ni Mayor Joy na tulad ng sinabi ni Pares Overload owner na si Diwata, mahalaga ang diskarte para umasenso sa buhay pero iba pa rin kapag mayroong diploma. Kapag may diploma, mas maraming diskarte ang magagawa dahil may kaakibat na itong kaalaman at kasanayan.
Ayon pa sa alkalde, importante rin ng 3C’s (Character, Choices, at Crisis) sa pagtahak ng mga mag-aaral sa kanilang hinaharap.
Ang ating pipiliin o choices ang siyang maghuhubog sa ating pagkatao o character na tutukoy kung paano natin haharapin ang pagsubok ng buhay.
Kapag hinarap naman ang krisis, makakapagbigay ito ng oportunidad at mabibigyan tayo ng tsansang makapamili ng tamang desisyon.