Pormal nang natanggap ng Quezon City Government ang ISO certification ng lungsod mula sa TUV Rheinland Philippines.

Mismong sina Mayor Joy Belmonte, Vice Mayor Gian Sotto, mga konsehal, at department heads ang tumanggap ng certification mula kay TUV Rheinland Philippines Managing Director Tristan Loveres.

Ang ISO Certfication ay patunay na pasok sa international standards ang mga systema at pamamahala ng lungsod, lalo na pagdating sa social services, economic development, urban planning and development, at institutional development.