Get CheCKD, habang maaga pa! ![]()
![]()
Pinangunahan ni Mayor Joy Belmonte ang “Iwas Dialysis, Ligtas Kidneys” program para palakasin ang kamalayan sa kidney health at pagsusulong ng maagang screening para sa bawat QCitizen.
Nakipagtulungan ang Boehringer Ingelheim sa lungsod upang itaguyod ang kanilang adbokasiya, kaisa ang mga city-owned hospitals, health facilities, at stakeholders.
Dumalo si Mr. Augusto Muench, Global Head of Sustainability ng Boehringer Ingelheim, at si Dr. Bin Wang, General Manager, upang ibahagi ang kanilang suporta at pananaw sa preventive healthcare.
Ibinahagi naman ni Dr. Anthony Russell Villanueva ng National Kidney and Transplant Institute ang kahalagahan ng maagang detection at tamang pangangalaga sa sakit sa bato.
Pinangunahan ni Dr. Ramona Abarquez, Head ng City Health Department, ang pakikiisa ng lungsod, kasama sina Councilor Doray Delarmente, Councilor Candy Medina, at barangay health workers.










