Ibinahagi ng Quezon City Government ang mga programa nito sa pagsusulong ng good governance at mabilis at maayos sa social services sa mga mag-aaral ng Jesse M. Robredo Institute of Government and Development ng Bicol University.

Mismong si City Administrator Mike Alimurung ang nagpaliwanag ng mga serbisyo ng lokal na pamahalaan, kabilang ang QC E-Services, at Libreng Sakay.

Tinalakay naman ni Sustainable Development Affairs Office Chief Emmanuel Hugh Velasco ang food security initiative ng lungsod na Grow QC. Ipinakita rin ng City Health Department ang mga serbisyo nito para sa mga QCitizen.

Bago matapos ang kanilang pagbisita sa Quezon City Hall, nagpunta rin ang mga estudyante sa Quezon City Public Library, Business Permits and Licensing Department, at QC Disaster Risk Reduction and Management Office.