Nagsagawa ng joint clearing and clean up operation ang Pamahalang Lungsod at pamunuan ng Landers sa Landers Fairview na matinding napinsala ng sunog noong nakaraang linggo.
Pinangunahan ng DRRMO Search and Rescue ang operasyon. Katuwang ng DRRMO ang Department of Sanitation and Cleanup Works sa paghakot at pag-alis ng mga debris at iba pang waste materials sa lugar.
Sinuri naman ng Department of Building Official ang structural integrity ng gusali upang masiguro ang kaligtasan habang isinasagawa ang clearing operation.
Naroon din ang QC Health Department at Veterinary Department upang i-assess ang health at sanitation hazards sa lugar at magbigay gabay sa pest control at pag-handle ng mga nabubulok na karne.
Siniguro naman ng Bureau of Fire Protection QC na hindi makakaapekto ang clearing operation sa isinasagawang imbestigasyon ng pinagmulan ng sunog.
Patuloy na aalalay ang lokal na pamahalaan sa pamunuan ng Landers at sa mga apektadong empleyado nito.








