Loading the Elevenlabs Text to Speech AudioNative Player...
Nakipag-ugnayan ang mga kinatawan ng City Engineering Department at QC-Schools Division Office sa mga school principal at barangay officials para siyasatin ang structural integrity ng mga gusali ng Balara Elementary School sa Brgy. Pansol at Bagumbayan Elementary School sa Brgy. Bagumbayan sa District 3.
Alinsunod ito sa inisyatiba ng lokal na pamahalaan, at direktiba ng Department of Education-NCR na magsagawa ng building inspection sa mga pasilidad ng pampublikong paaralan bilang paghahanda sa anumang sakuna.










