Nagsagawa ng joint inspection ang mga kinatawan ng QC Department of Engineering at QC-Schools Division Office sa Pres. Corazon Aquino Elementary School sa Brgy. Batasan Hills, at Bagong Silangan High School sa Brgy. Bagong Silangan nitong Lunes at Martes.
Ito’y upang masigurong maayos at ligtas ang mga pasilidad ng mga pampublikong paaralan sa lungsod.
Bahagi ito ng patuloy na paghahanda ng lokal na pamahalaan sa anumang kalamidad at sakuna.








