Patuloy ang pagsasagawa ng joint inspection ng mga tauhan ng QC Department of Engineering (QCDE) at QC-Schools Division Office (QC-SDO) sa mga paaralan sa Lungsod Quezon.
Kabilang sa sinuri ng QCDE at QC-SDO kanina ang Commonwealth Elementary School sa Brgy. Commonwealth, at Vito Belarmino Senior High School sa Brgy. Milagrosa.
Bahagi ito ng patuloy na paghahanda sa kalamidad at pagsisikap ng lokal na pamahalaan na maging maayos at ligtas ang mga pasilidad ng mga pampublikong paaralan sa lungsod.








