Loading the Elevenlabs Text to Speech AudioNative Player...
Isinailalim na rin sa pagsusuri ng mga tauhan ng QC Department of Engineering (QCDE) at QC-Schools Division Office (QC-SDO) ang mga gusali ng Batasan Hills National High School at San Diego Elementary School sa Brgy. Batasan Hills.
Isinagawa ang inspeksyon upang siyasatin ang structural integrity ng mga gusali at pasilidad sa mga nasabing eskwelahan.
Bahagi ito ng patuloy na paghahanda sa kalamidad at pagsisikap ng lokal na pamahalaan na maging maayos at ligtas ang mga pasilidad ng mga pampublikong paaralan sa lungsod.








