Patuloy ang pagsasagawa ng Rapid Visual Screening sa iba-ibang paaralan sa Quezon City upang masiguro ang structural integrity ng mga ito, para na rin sa kaligtasan ng mga mag-aaral.
Sa pangunguna ng Quezon City Department of Engineering (QCDE) at Schools Division Office Quezon City (SDOQC), katuwang ang Philippine Institute of Civil Engineers – Quezon City Chapter (PICE-QC), 59 na paaralan na ang na-inspeksyon mula sa higit 150 na paaralan sa lungsod.
Ngayong araw ay nagsagawa ng joint inspection ang mga kinatawan ng QCDE at SDOQC sa Justice Cecilia Muñoz Palma High School at Payatas C Elementary School sa Barangay Payatas, District 2.
Layon nitong matiyak na ligtas at maayos ang mga pasilidad ng mga pampublikong paaralan sa lungsod bilang bahagi ng patuloy na paghahanda ng Quezon City Government sa posibleng kalamidad o sakuna.








