Loading the Elevenlabs Text to Speech AudioNative Player...
Nagsagawa ng joint inspection ang mga kinatawan ng City Engineering Department at QC-Schools Division Office sa Libis Elementary School sa Bgy. Libis at Pura V Kalaw Elementary School at JP Laurel High School sa Bgy. Milagrosa sa District 3.
Ito ay bahagi ng patuloy na paghahanda sa kalamidad at pagsisikap ng lokal na pamahalaan na maging maayos at ligtas ang mga pasilidad ng mga pampublikong paaralan sa lungsod.









