Bukas na ang BAIC at Lynk & Co sa North EDSA!
Bilang kilalang automotive manufacturers, ang BAIC at Lynk & Co ay gumagawa na rin ng mga sasakyang hybrid at fully-electric na sustainable at eco-friendly.
Sa kanyang talumpati, binigyang-diin ni Mayor Joy Belmonte na pinapahalagahan ng lungsod ang mga negosyong nakalinya sa green at sustainable goals ng lungsod.
Target ng lokal na pamahalaan na bumuo ng mga polisiya at karagdagang imprastraktura para sa electronic vehicles.
Pormal na ring itinurn-over ng UAAGI, ang official distributor ng BAIC at Lynk & Co, sa Beatitudes Auto ang dealership ng mga sasakyan.
Bukod kay Mayor Joy, dinaluhan din ang programa ng mga executive ng UAAGI at Beatitudes kabilang sina UAAGI Chairperson Rommel Sytin, Mr. Vince Licup ng Beatitudes Dealership, Lynk & Co East Asia Regional Director Jeff Cao, BAIC Philippines and Lynk & Co Sales and Marketing Director Timothy Sytin, at District 1 Action Officer Ollie Belmonte.










