Nanguna sa joint market inspection sina Mayor Joy Belmonte, Department of Agriculture Secretary Francisco Tiu-Laurel, Jr. at Department of Trade and Industry Secretary Ma. Cristina Roque sa Commonwealth Market para siguruhin na nasusunod ang Maximum Suggested Retail Price (MSRP) sa mga pamilihan.

Tiniyak ng pamahalaan na tama ang timbangan at nasusunod ang mga presyong itinakda batay sa MSRP ng mga produktong bigas, gulay, karne, at isda.

Siniguro ni Mayor Joy na patuloy na makikipagtulungan ang QC sa DA at DTI upang maipatupad nang maayos ang polisiya ng pamahalaan.

Handa ring makinig at tumugon ang QC Government sa mga mungkahi at hinaing ng mga grupo ng nagtitinda sa lungsod.

+19