PRICE IS RIGHT IN QC! ✅

Maagang nagsagawa ng joint price and supply monitoring sina Mayor Joy Belmonte at Department of Trade and Industry (DTI) Sec. Cristina Roque sa Farmer’s Market at Robinsons EasyMart sa Cubao ngayong araw.

Ayon sa DTI, walang naitalang anumang violations at pagtaas ng presyo sa mga basic good and commodities sa palengke at grocery sa QC.

Pinuri rin ni Sec. Roque ang malinis na palengke at ang pagiging convenient ng higit 400 stalls dahil sa ipinatutupad na Paleng-QR program sa lungsod. Sa tulong nito, mas mapapabilis ang pagnenegosyo dahil may option nang gumamit ng digital transaction ang mga vendors at mamimili.

Tiniyak naman ng Alkalde na palaging nakaantabay ang lokal na pamahalaan upang siguruhin na walang nangyayaring iregularidad sa mga palengke at groceries sa QC, lalo na ngayong nalalapit na kapaskuhan.

Kasama rin sa inspeksyon sina DTI Asec. Atty. Agaton Teodoro Uvero, City Market Administrator P/Col Alex D.J. Alberto, at Business Permits and Licensing Department head Margie Mejia.

#TayoAngQC

+32