Sa inklusibong Quezon City, tinitiyak na lahat ay may trabaho at pantay na oportunidad!

Nagsimula nang magtrabaho ang 31 senior citizen at 40 persons with disability sa iba-ibang stores ng Jollibee Food Corporation, kabilang ang Jollibee, Chowking, Greenwich, at Burger King.

Kinumusta ni Persons with Disability Affairs Office (PDAO) Chief Debbie Dacanay ang mga bagong hire na QCitizen, na magtatrabaho sa loob ng limang buwan sa ilalim ng Special Employment Program ng lungsod.

Noong Mayo 6, 2024, lumagda ng kasunduan ang lokal na pamahalaan at JFC para sa paglulunsad ng Special Employment Program na naglalayong bigyan ng pantay-pantay na oportunidad sa trabaho ang mga senior citizen at persons with disability.

+16