Quezon City’s Joy is a Farm! ![]()
Kinilala ang “Joy is a Farm” ng Quezon City University (QCU) sa 2025 CityNet SDG Awards sa Denpasar, Indonesia kahapon, October 27, 2025. Ito ang nangungunang urban farming program sa Quezon City.
Nanalo ito ng 2nd Place Overall – Top 3 Winner at Breakthrough Innovation of the Year Award. Ito ay bilang pagkilala sa pangunguna ng lungsod sa pagsulong ng UN Sustainable Development Goals (SDGs) sa pamamagitan ng edukasyon at pagbabago.
Personal itong tinanggap ni Dr. Theresita V. Atienza, President ng Quezon City University (QCU). Nagsilbi siyang kinatawan ng Quezon City Government dahil sa mahalaga niyang papel sa pamumuno ng sustainability initiatives at community-centered programs sa QCU.
Patunay ang gantimpala sa masugid na pagtupad ng pangakong magtaguyod ng mga programang sumusulong sa sustainability at resilience sa panunungkulan ni Mayor Joy Belmonte.








