Loading the Elevenlabs Text to Speech AudioNative Player...
Wagi ang “Joy is a Farm” urban farming program ng Quezon City University (QCU) sa 2025 CityNet SDG Awards sa Denpasar, Indonesia!
Tinanggap ni QCU President Dr. Theresita Atienza ang pagkilala mula sa CityNet noong Oktubre 27, 2025.
Nakamit ng QCU ang 2nd Place Overall – Top 3 Winner pati na ang Breakthrough Innovation of the Year Award bilang pagkilala sa pagsulong ng pamahalaang lungsod sa layunin ng United Nations Sustainable Development Goals (SDGs).
Ang pagkilalang iginawad ay patunay na nangunguna ang Quezon City, sa ilalim ng pamamahala ni Mayor Joy Belmonte, sa pagtaguyod ng sustainable programs tungo sa pag-unlad ng mga komunidad.






