KABATAANG QC, MATALINO’T MASIPAG!
Pinangunahan ni Mayor Joy Belmonte ang distribusyon at pagkilala sa higit 500 kabataang estudyante na hinirang bilang mga recipient ng Joy of Public Service at Outstanding Academic Achievement awards ngayong araw.
Ito ay kumikilala sa mga estudyanteng QCitizens mula sa pampublikong paaralan sa buong lungsod na nakakuha ng pinakamatataas na marka. Bukod sa medalya ay nakatanggap din sila ng monetary incentives mula sa lokal na pamahalaan.
Kasabay nito, iginawad din sa 12 QC senior high school graduates ang four-year scholarship grants mula sa J. Amado Araneta Foundation (JAAF). Aabot na sa 70 students ang nabigyan ng pagkakataong makapag-aral ng kolehiyo sa tulong ng programang ito.
Kasama ng Alkalde sa programa sina Schools Division (SDO) Superintendent Carleen Sedilla, SDO Asst. Schools Division Superintendent Engr. Marc Padilla, Education Affairs Unit OIC Maricris Veloso, JAAF Executive Director Christine Romero, at JAAF Deputy Director Glenda Carlota.
Pagbati sa mga kabataang QC na nagpamalas ng kanilang galing at husay sa pag-aaral!