QC YOUTH ACHIEVERS!
Ipinamahagi ni Mayor Joy Belmonte sa 497 QC students ang Joy of Public Service award at ang Academic Achievement award kalakip ang insentibo para sa mga magigiting na kabataang QCitizens.
Bukod sa mga QC youth academic achiever, pinarangalan din ang mga estudyante na nagpamalas ng kanilang dedikasyong makatulong sa kanilang bayan.
22 estudyante naman ang nakatanggap ng 4-year college scholarship grant mula sa J. Amado Araneta Foundation, Inc (JAAF). Sila ang mga estudyanteng hinirang na Top 1 at nagpakita ng mabuting pag-uugali tulad ni Don Amado na founder ng JAAF.
Kasama ng alkalde sa pamamahagi sina Vice Mayor Gian Sotto, Education Affairs Unit head Maricris Veloso, QC Schools Division Office Superintendent Carleen Sedilla, District 4 Action Officer Al Flores, at J. Amado Araneta Foundation Inc. Executive Director Christine Romero.