Nakiisa sina Mayor Joy Belmonte at former QC Mayor Sonny Belmonte sa paggunita ng birth anniversary ng kauna-unahang babaeng Supreme Court Associate Justice na si Justice Cecilia Muñoz Palma.

Sa programa na ginanap sa Ugong Norte, nagbalik-tanaw sa huzay at buhay ni Justice Palma ang kanyang pamilya sa pangunguna ni Mr. Tadeo Palma, mga naging ka-trabaho, at malapit na kaibigan.

Si Justice Palma ay isang QCitizen. Bukod sa pagiging associate justice, siya rin ay naging mambabatas mula 1984 hanggang 1986, at chairperson ng 1986 Constitutional Commission.

+11