Nasa 600 na solo parents mula sa Lungsod Quezon ang nagpunta at nakinig sa idinaos na Ka-Solo: Benefits and Rights forum. Kaugnay ito ng Expanded Solo Parents Welfare Act.
Layon ng RA 11861 na umagapay sa solo parents sa pamamagitan ng pagbibigay ng dagdag benepisyo at proteksyon para sa kanila at kanilang mga anak.
Pinangasiwaan ito ng tanggapan ni Senator Risa Hontiveros, GAD Senate of the Philippines, at ng Lungsod Quezon.
Dumalo naman si Gender and Development TWG head Janete Oviedo bilang kinatawan ni Mayor Joy Belmonte. Nandoon din sina District 6 Rep. Marivic Co-Pilar, Luigi Pumaren bilang kinatawan ni District 3 Rep. Franz Pumaren, Persons with Disability Affairs Office head Deborah Dacanay, Atty. Aika Manliclic mula sa OSRH, DSWD Rep. Miramel Garcia-Laxa, Senate Legal Counsel & Chairperson Senate GAD Atty. Maria Cruz, at District 1 former Coun. Mayen Juico.