Bigay todo sa pagsayaw ang mga kalahok na barangay sa District 2 sa naganap na “Kababaihan Ang Panahon Natin ay Ngayon” dance competition na bahagi ng selebrasyon ng Women’s Month.
Lumahok ang walong grupo na binubuo ng mga kababaihan at LGBTQIA+. Tatlong grupo ang itinanghal na nanalo at magpapaligsahan sa darating na dance championship.
Pagbati sa grupong Hot Shots bilang District Dance Champion at ang dalawang 1st runner ups na Akap Women’s Dance Group at D’Zumba Angels.
Dumalo rin si D2 Action Officer Atty. Bong Teodoro sa kompetisyon.