Nagpakitang gilas ang mga kawani ng lokal na pamahalaan sa Kababaihan Festival – Interdepartmental Dance Competition.
Ang mga kalahok na departamento ay nagbigay ng pagkilala sa mga natatanging kababaihan na nagpakita ng kabayanihan at nagbigay ng karangalan sa bansa.
Kampeon ang Quezon City Tourism Department na nagbigay-pugay kay Pura V. Kalaw, isang beauty queen at journalist na kilalang nagsulong sa karapatan ng mga kababaihan.
1st at 2nd runner-up naman ang Quezon City Disaster Risk Reduction and Management Office at Quezon City Police District na nagbigay-pugay naman kay Apo Whang Od, ang pinakamatandang mambabatok ng Kalinga.
QCPD rin ang nakatanggap ng biggest contingent recognition sa patimpalak, dahil sa 171 mananayaw ng grupo.
Ang Interdepartmental Dance competition ay bahagi ng Women’s month celebration ng lungsod.








