Bilang panimula sa pagdiriwang ng lungsod sa Buwan ng Kababaihan, nakipagdayalogo ang Quezon City government sa mga babaeng residente mula sa iba-ibang barangay sa ikaapat na distrito.
Inalam ni Mayor Joy Belmonte ang mga suliranin at kinakaharap nila tulad ng solo parents, muslim women, PWDs, at LGBTs para mabigyang solusyon sa mga susunod na taon.
Ipinaliwanag din sa mga residente ang kahalagahan ng pakikilahok ng kababaihan lalo na sa pagbuo ng programa ng pamahalaan, tungkulin ng Gender and Development (GAD) Council, at kahalagahan ng pagkakaroon ng GAD focal person kada barangay.
Kasama rin ni Mayor Joy sa consultation sina Coun. Irene Belmonte, Coun. Ivy Lagman, Coun. Hero Bautista, District 4 Action Officer Engr. Al Flores, at San Isidro Galas chairman John Reyno.









