Loading the Elevenlabs Text to Speech AudioNative Player...
TINGNAN: Bilang bahagi ng pagtatapos ng Nutrition Month nitong nakaraang Hulyo, sama-samang nakibahagi ang mga estudyante ng Commonwealth High School sa Kabataang QC Health & Fitness Program.
Ipinakita ng mga kabataan ang kanilang sigla at lakas sa physical activity na dinisenyo upang itaguyod ang aktibong pamumuhay.
Layunin ng Kabataang QC Health & Fitness Program na turuan ang mga batang QC na mamuhay nang malusog at aktibo. Ito ay bahagi ng patuloy na hangad ng Quezon City na palakasin ang kalusugan ng mga kabataan sa pamamagutan ng ehersisyo at wastong nutrisyon.
Ang programang ito ay ipapatupad sa lahat ng pampublikong paaralan sa Quezon City.










