Makabuluhan ang naging Kabataang QC na Maipagmamalaki Summit 2025, na ginanap sa P. Bernardo Elementary School. Tinalakay rito ang ligtas at responsableng paggamit ng social media sa mga kabataan.
Sa temang “Media Literacy: Understanding and Preventing Cyberbullying”, pinag-usapan ang iba-ibang paraan para maging maingat at maiwasan ng mga estudyante ang cyberbullying sa online space, at itaguyod ang media literacy.
Nakibahagi sa summit sina SDO superintendent Carleen Sedilla, UNTV News and Rescue at Breakthrough and Milestone Production Inc. managing producer Mon Jocson, at mga kawani ng iba-ibang paaralan.
Inilunsad din sa summit ang Q-Chikabataan, isang initiative ng SDO-QC na naglalayong dagdagan ang kaalaman ng kabataan sa ligtas at responsableng paggamit ng online platforms. Bahagi nito ang live discussion na matatagpuan sa Facebook page sa “QCHIKABATAAN Youth Tambayan.”








