PBBM BUMISITA SA QC! ✨

Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. kasama sina Mayor Joy Belmonte at Vice Mayor Gian Sotto sa pagbisita sa inilunsad na Kadiwa ng Pasko 2022 Diskwento Caravan sa Quezon City sa Risen Garden, QC Hall.

Layon ng programa ng Department of Agriculture (DA) na magbigay ng dekalidad at abot-kayang gulay, karne, isda iba pa lalo na sa darating na kapaskuhan. Nais din nitong matulungan ang mga lokal na agricultural producers at maliliit na negosyante na ma-promote at maibenta ang kanilang mga produkto.

Sa talumpati ng Pangulo, layunin ng programa na makapagbigay ng mas murang commodities para sa mga mamamayan at mai-promote pa ang mga lokal ng produkto sa bansa.

Naging katuwang ng DA ang QC Small Business and Cooperatives Development and Promotion Office sa pangunguna ni Ms. Mona Celine Yap, kasama ang iba pang national government agencies tulad ng Department of Trade and Industry (DTI), Department of the Interior and Local Government (DILG), Department of Social Welfare and Development (DSWD), at Department of Labor and Employment (DOLE).

Nakiisa rin sina QC D2 Rep. Ralph Tulfo, D3 Rep. Franz Pumaren, D4 Rep. Marvin Rillo, D5 Rep. PM Vargas, D6 Rep. Marivic Co-Pillar, Majority Floor Leader Coun. Doray Delarmente, Coun. Alfredo Roxas, Coun. Kate Coseteng, Coun. Wency Lagumbay, Coun. Ellie Juan, Coun. Dave Valmocina, Coun. Nanette Castelo-Daza, Coun. Egay Yap, DTI Sec. Alfredo E. Pascual, DOLE Sec. Bienvenido Laguesma, mga department heads, barangay officials at iba pang mga kawani ng pamahalaang lungsod.